Luneta Park
Ang Liwasang Rizal o Parkeng Rizal ay nasa puso ng Lungsod ng Maynila sa
Pilipinas. Ito ay dating tinatawag na Bagumbayan o mula sa "bagong
bayan" noong kapanahunan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga kastila, ito ay
tinawag na Luneta Pagdaka. Tinuturing ito na isa sa pinakamalaking park sa
Timog-Silangang Asya, ang Rizal Park ay may sukat na 58 hectares. Sa pook na
ito binaril si Dr Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896. Ang pagkamartir ni Dr
Jose Rizal ang dahilan ng kaniyang pagiging bayani ng Himagsikang Pilipino,
bagkus ipinangalan sa kanya ang liwasan para ikarangal ang kanyang pagkabayani.
Pinalitan ng opisyal na pangalang Liwasang Rizal ang parke bilang parangal at
pag-alala kay Rizal.
Nagsisilbi ring punto ng orihen o Kilometro Sero patungo sa lahat ng ibang
mga kalunsuran sa Pilipinas ang monumento ni Rizal. Matatagpuan ito sa
Intramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita.
Reaction Paper:
Isa sa mga hindi ko makakalimutang
karanasan ay ang pagpunta ko sa isang malaki at kilalang park dito sa
Pilipinas, Ang Luneta Park. Ito rin ay kilala sa tawag na Rizal Park. Kasama ko
ang akin mga kaklase papunta dito. Lalo kong na enjoy ang pagpunta dahil sa
kanila. Habang papunta kami medyo nakakabagot kasi hiwa hiwalay kami sa bus
pero nung pagdating namin, nagsimula na ang kasiyahan. Nagkita kita kami sa may
bungad ng Rizal Park. Nagsimula na kaming maglibot libot. Kami ay namangha mga
nakikita namin. May Statue ni Lapu lapu, may modelo ng Pilipinas sa may
fountain, mga tablets na nakalagay ang mga pangalan ng mga nag Revolts dito sa
Pilipinas, atbp. Masayang masaya kami sa aming paglilibot. May kalakihan ang
Park kaya hindi maiiwasang mapagod pero may mga Kalesa, Train Transport, atbp
na makikita dito. Hindi kami nakasakay ng Kalesa pero nakasakay na ako dati sa
may Intramuros. Masayang karanasan yun habang kasama rin ang aking mga kaklase
noong secondarya.
Sa Luneta, makikita ang isang agaw
tingin na Rebulto na binabantayan ng mga ilang sundalo. Dito nakahimlay ang mga
buto ng Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal. Isa siyang martir
na siyang kadahilanan ng pagiging bayani niya. Dito rin siya binaril noong
Disyembre 30, 1896 sa kapanahunan nga mga Kastila. Todo kuha kami ng mga pictures
para sa aming Dokumentaryong paglalakbay sa lugar na ito.
Sunod naming pinuntahan ay ang
Intramuros. May kalapitan ito sa Luneta Park. Ito ay tinatawag na Walled City. Marami
ring mga historical memories dito. Makikita dito ang makalumang cultura ng mga
Pilipino habang sakop ng mga Kastila. Ako’y manghang manghan sa aking mga
nakikita kahit na nakapunta na ako dito dati. Napakatahimik at sobrang makaluma
ang dating. Sobrang astig! May nakita kaming simbahan at dito’y nagpalipas ng
oras. Habang naglilibot ay picturan kami ng picturan. Hindi lang dahil sa
Dokumentary, para na rin souviner sa lugar na un dahil hindi pwedeng palampasin
ang lugar na iyon. Isa un sa mga pinakamagandang lugar na akin napuntahan.
Sadyang maraming kamanghang manghang bagay sa ating kasaysayan ang hindi
nabibigyan ng pansin. Sayang naman kung palalagpasin ang malaman at makita ito.
Mahalaga ito sa atin dahil kung hindi nangyari ang kasaysayan, hindi mangyayari
ang mga nagaganap ngayon.
Documentation:
Rizal Park, isa sa mga pinagmamalaking lugar ng mga Pilipino dito sa Pilipinas. Ito ay isang makasaysayaang lugar. Dito binaril ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal na isang martir, manunulat, doctor, atbp. Ito ay pingalan sa kanya bilang pag-alala at pagpaparangal sa kanyang kabayanihan.
Sa aming likuran ay isang rebulto. May nakasulat dito na Binhi ng Kalayaan, Pamana ng isang Dantaon o Legacy of the Hundred Years. Makikita ito sa may bungad ng Rizal Park. Ito ang una naming nakita. May nakita rin kaming fountain kaso hindi pa ito bukas tsaka may modelo ng Pilipinas sa ibabaw ng tubig. Ito ay kamanghang mangha kung titignan sa itaas. Marami ring mga kalapati ang nakatira sa may Luneta Park. May sarili silang bahay dito kaya dito na sila namamlagi.
Rebulto ni Lapu-lapu, isa siyang magaling na leader sa maliit na isla ng mactan na siyang lumaban kay Magellan at nanalo sa mga mananakop na ito.
Ang Rebulto ni Dr. Jose Rizal, ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Malaki ang naambag niya sa Kasaysayan ng Pilipinas. Siya ang nagpasimula ng pagbabago. Siya'y pinatay dito sa Bagumbayan na ngayon ay tinawag na Rizal Park. Pinangalan sa kanya ang Park na ito bilang pag-alala at parangal sa kanyang kabayanihan. Sa kanyang Rebulto, may nagbabantay na mga sundalo at sila'y nakakabilib dahil magdamag nila itong binabantayan.
Kami ay kumain dahil marami na samin ang nagugutom na at gustong magpahinga. Kumain kami sa may picnic area sa may gilid tapos nag gala na ulit. Napagpasiyahan namin na pumuntang Intramuros.
Intramuros, Ang tinagurian "Walled City"
Sa loob nito kami ay muling namangha. Iba ang mga datingan ng kapaligiran para samin. Ito'y makaluma at sinauna pero makikita na ito'y kabigha-bighani sa paningin.
Sa aming paglalakad lakad ay nakita namin ang Manila Cathedral. Ito'y malaki at makaluma.
Pagtapos nito'y nagfoodtrip sa may gilid ng Cathedral. Bumili kami ng mga hilaw na mangga. Pagtapos ay humahanap ng isang lugar kung saan kami ay makakatambay at makakapagpahinga.
Ito ang lugar na napuntahan namin upang makapagpahinga at makatambay. Dito kami nagsaya at nagkatuwaan. Malapit ito sa may Fort Santiago sa Loob ng Intramuros. Nasa taas kami ng wall na pumapaligid sa Intramuros. Pagtapos nito, kami ay nagsiuwi na sapagkat magdidilim na. Bakas saming mukha ang saya habang papauwi.
Sana'y maulit ulit ang mga karanasan ko na ito. :D
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento